Gradschool Life at 3 Idiots.
Hay sobrang nakakapagod ang Masters pero okay naman dahil palagi akong umuuwi na mayroon akong dala dalang impormasyon na hindi ko inakalang makukuha ko pala dito. Being with different types of people will really improve the way you look at life. Noong una sobrang nakakatamad pumasok kasi nga once a week lang minsan nga every other week pa e.
Naisip ko rin na, kaya ko ba to? Pero dahil isa sa prinsipyo ko ay to never second guess myself, go lang. Sakay lang. Sabi kasi nila Graduate School is not for everybody dba? Pero nung tumagal tagal naramdaman ko na, ui okay naman pala e, parang college lang, actually yung requirements nga e parang kalahating pagod lang ng pag gawa namin ng CNP (seriously) nung college . May naitulong din pala yun kahit papano hehe, kumbaga na desensitize kasi ako undergrad palang kaya medyo sanay na sa mga mabibigat na requirements.
Grad school is an avenue for people na humahanap ng matalino at may sense na diskusyon, dito ka makakahanap ng mga tipo ng tao na wala sa itsura nila yung sinasabi nila. Akala mo mababaw yun pala malalim. Napakagaan sa pakiramdam na gumawa ka ng assignment mo hindi dahil kailangan mo matapos kundi incomplete ka pero dahil gusto mo yung ginagawa mo. Okay yun kasi walang pressure. Hindi ka na rin denumero kumilos. Stress free kumbaga.
Last sunday ang culminating activity sa isa naming subject ay isang bollywood film entitled 3 Idiots. Personally, i do not like those type of movies kasi ano kaya yun bigla na lang sasayaw, pero kultura nila yun wala naman na akong pakielam dun, buti nga natigil na sa pelikulang pilipino yung ganung standard e, bigla na lang kakanta tapos magsasayawan, hindi naman musical binayaran mo diba pero kultura natin yun dati. E kung yun trip nila e dba. Mabalik tayo sa pinanuod namin, Sobrang ganda ng film, at hindi ko inexpect to dahil hindi nga ako fan ng mga movie nila e. Ganda nung message nung movie, mararamdaman mo talaga bawat eksena kasi meron dun yung sinagot niya yung teacher nya tapos pinalabas siya which happened to me kaya nakarelate ako. And I'm sure isa tong hook para maconnect ka sa story kasi sa tingin ko ang target ng palabas ay mga kabataan, na suko na sa pagaaral. Kung napanuod ko lang to nung tamad na tamad ako pumasok sa duty e malamang magiging fuel to para sumipag pa ko. I really recommend this to those who already have or are planning to quit on studying or kahit anong ginagawa mo. Isang sipang malakas to sa mga tamad na walang masimulan sa buhay, sa mga madali bumigay, sa mga nakakalimutan magsilbi sa pamilya at kahit ano ka pa sigurado ko hindi ka bibiguin ng 3 Idiots. Good job Indians. Hanggang sa muli. Sayonara. Doumo Arigatou Gozaimasu. Koko kara, koko made.
Nice one dude! hahahaha!
Nice post :)